
PINURI ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty, Vigor D. Mendoza II ang naging hatol sa anim na fixer na sinistensiyahan ng maximum na tatlong taon na pagkakakulong at multang P5,000 sa bawat paglabag ng dalawang magkahiwalay na korte sa Cagayan province.
Sa Gataran, Cagayan, hinatulan si Rufelyn Bayaca sa lahat ng apat na kaso kabilang ang falsification of public documents at paglabag sa Anti-Red Tape Law, o Republic Act 9845.
Sa Tuao Regional Trial Court naman hinatulan sina Mirasol Ramos, Elvira Donato, Elsie Ramos, Jesie Macapulay at Jenno Bruar.
Nasakote silang anim dahil sa pinaigting na anti-fixer operation na iniutos ni Asec. Mendoza.
“I commend all our personnel in Cagayan for their anti-fixer efforts—from the arrest to the conviction of these people. Talagang tinutukan nila ang kasong ito at nagbunga naman ito ng conviction,” saad niya.
Binalaan ni Mendoza ang mga fixer na itigil na ang kanilang illegal na aktibidad sapagkat pinaigting na ang anti-fixing operation sa tulong ng kapulisan at iba pang law enforcement agencies.
Sa katunayan, sinabi niya na ilang mga empleyado ng LTO ay nahuli na o iniimbestigahan dahil sa pakikipagsabwatan sa mga fixer.
“Let this serve as a warning to the fixers that we will be relentless in running after you. Titiyakin namin na talagang magsisisi kayo sa maling gawain na pinasukan ninyo,” babala ni Asec Mendoza.
“Sa ating mga kababayan, wala na pong rason para tangkilikin ang mga taong ito dahil mabilis na ang transaksyon sa LTO. Huwag ninyong hayaan na ma-scam kayo ng mga taong ito,” dagdag niya.
More Stories
Sen. Cynthia Villar, pinangunahan ang inagurasyon ng Villar School of Performing Arts
LOTTENG NI BONG SOLA LARGADO SA RIZAL (PNP-One strike policy nganga!?)
CAAP, FAA PINALAKAS ANG KOOPERASYON VS ILLEGAL CHARTER FLIGHTS