January 19, 2025

ASEAN Para Games… 246 PINOY PARA ATHLETES PAPARADA SA CAMBODIA

Liyamado ang Philippine Wheelchair racing team sa pagtsada ng mga aksiyon sa AseanPara Games sa Cambodia.

HANDA na ang Pilipinas para sa pagsabak ng magigiting na para athletes ng bansa sa giyera ng 12th ASEAN Para Games na sasambulat bukas sa Morodok Techno National Stadium sa Phnom Penh.

Ang 246-strong Nationals ay dumating na Martes ng gabi at kahapon upang paghandaan na nila ang pagratsada sa aksiyon bukas matapos ang inaasahang magarbong opening ceremony sa stadium ng  biennial, 12-sport spectacle sa kabisera ng Cambodia.

Si Walter Torres, Philippine Sports Commission board member at chef-de-mission, gayundin si deputy CDM Irene Soriano ay naunang nagsidating habang  si  Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo at PSC chair Richard Bachmann ay magsisidati g ngayon at bukas.

“It’s the biggest in the history of the ASEAN Para Games,” wika ni Torres . “It’s really to get them going in the international scene since this is the starting point of everything.”

Sinabi pa ni Torres na ini-assure sa kanya ang   commitment na ma- improve pa ang  28-30-46 (gold-silver-bronze) haul at  fifth-place performance sa Surakarta, Indonesia noong nakaraang edisyon.

“If we make it to fourth, that would already be an achievement,” ani Torres.

Ang athletics, chess at  swimming ang sasandigan ng Pilipinas sa naturang paligsahan  na sinegundahan  nina

Coaches Tony Ong ng  swimming at Joel Deriada  ng athletics na  ‘same target of eclipsing if not replicating.

Ang  fantastic swimmers ay pinangunguhan ni flag-bearer at triple-gold winner Ariel Aligarbes,  Ang Mangliwan-led brady athletics ay  may 23 entry

“Gawin lang naming ang lahat ng aming makakaya”.