December 20, 2024

ARROYO WALANG ANUMANG GAGAWIN NA MAKAKASIRA SA ‘UNITEAM’


IPINAHAYAG ni dating Pangulo at kasalukuyang House Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya gagawa ng anumang hakbang na makasisira sa UniTeam, ang grupong tinulungan niyang maitayo.

Sa isang Facebook post, sinagot ni Arroyo ang kumakalat na balita na nanapinawala siya ng isang lady solon na may basbas ni First Lady Louise Araneta-Marcos ang pagsibak kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Binigyang diin ng dating Pangulo na nagkaroon siya ng kontribusyon sa Uniteam kaya hindi umano siya gagawa gagawa ng anumang makakasira rito, ang team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections. “I made a humble contribution to the joining of forces that became the UniTeam, and the resulting supermajority in the House is a major force for delivering our President’s agenda. Thus, I would never take any action to destroy it,” saad ni Arroyo.

Matatandaang na-demote si Arroyo noong Mayo 17 bilang deputy speaker sa Kamara. Matapos noon, nagsimulang kumalat ang diumano’y planong pagpapatalsik laban kay Romualdez.