HINDI na mapipigilan ng gobyerno ng Pilipinas ang paghahain ng arrest warrants ng International Police Organization (Interpol) na ilalabas ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang personalidad na sangkot sa drug war killing ng nakaraang administrasyon.
“We are not in the business of blocking the Interpol’s job which is to fight international crime,” ayon kay Justice Secretary Justice Crispin Remulla.
Bagaman, kumalas na ang Pilipinas sa international body, ipinagpatuloy pa rin ng ICC ang imbestigasyon kaugnay sa pananagutan ng mga pinaniniwalaang sangkot sa madugong giyera kontra droga.
Inaasahang isisilbi na ng Interpol ang arrest warrants na inisyu ng ICC laban sa mga akusado.
“’Pag hinarang mo ‘yan, magkakaroon tayo ng repercussions sa atin,” ani Remulla.
Samantala, sinabi ni Remula na “Pag-aaralan pa rin namin kung anong pwedeng gawin.”
“We will study the possibilities or the indications of dealing with the Interpol on this matter,” dagdag pa niya.
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE