ISINAILALIM sa house arrest sa Timor-Leste si dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes, Hunyo 13.
“The Prosecutor General’s Office of Timor-Leste has officially placed former House Representative Arnie Teves under house arrest,” pagkumpirma ng DOJ sa isang pahayag.
Isasailalim daw ang dating kongresista sa 24-hour security, kung saan tanging pamilya lamang daw niya ang papayagang bumisita rito.
“The government will maintain close oversight of the situation to ensure that all procedures are both valid and appropriate,” saad ng DOJ.
Ayon sa news reports sa Timor-Leste na inulat ng Manila Bulletin, ang naturang pahayag ng DOJ ay matapos umanong iutos ng Court of Appeals ng naturang bansa na i-house arrest si Teves dahil sa pagiging “flight risk” nito.
Kinilala raw ng korte na mayroong kakayahan si Teves na tumakas dahil nabigyan umano siya ng financial support ng may-ari ng construction firm kung saan ang siya ay kasosyo rin. Nakatira rin daw ang dating mambabatas sa isang inuupahang bahay na may buwanang renta na $10,000 kung saan nananatili siya kasama ang kaniyang asawa, dalawang anak, at 20 empleyado.
Kamakailan lamang ay hiniling ng gobyerno ng Pilipinas sa Timor-Leste ang extradition ni Teve na nahaharap sa iba’t ibang murder charges dahil sa umano’y pagkasangkot sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at sa walo pang nadamay noong Marso 4, 2023.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA