December 25, 2024

Arnie Teves arestado sa Timor, Leste – DOJ

NAARESTO na ng mga awtoridad sa Timor-Leste si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na umano’y utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), nasukol si Teves habang naglalaro ng golf sa Dili dakong alas-4:00 ng hapon nitong Martes. Nasa kustodiya na siya ngayong ng Timorese police.

Nadakip si Teves ilang linggo pagkatapos ng first death anniversary ng yumaong gobernador at iba pang biktima na napatay noong Marso 4, 2023, nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang kanyang bahay sa Barangay San Isidro sa Pamplona at pinagbabaril habang namamahagi ng tulong.

Siyam na katao ang namatay sa nangyaring pag-atake.

“Words cannot express how it feels to finally see the man who terrorized our province and brutally murdered my husband surrounded by police,” saad ng naulila ni Degamo na si Pamplona, Negros Occidental Mayor Janice Degamo sa Facebook post.

Matatandaan na iniliagay sa red notice ng International Criminal Police Organization (Interpol) si Teves noong Pebrero.

Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation,” ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” dagdag niya.

Ayon sa DOJ, nakikipag-ugnayan na ang Intepol – National Central Bureau sa Dili sa team mula sa NCB sa Maynila at Philippine Embassy sa Dili para mapauwi si Teves sa Pilipinas.


Nahaharap si Teves sa kasong murder, frustrated murder at attempted murder sa pagpatay kay Degamo at iba pa sa bahay ng noo’y gobernador noong Marso 4, 2023.