
Swak sa kulungan ang isang armadong lalaking nagbebenta umano ng away habang may nakasukbit na boga sa Caloocan City.
Paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang haharaping kaso ni Jayson Doblon y Santuyo, 34, driver, ng 3637 Yellowbell St., Brgy 174, Camarin, Caloocan City
Nasakote si Doblon sa Yellowbell St. dakong 2:30 pm noong Enero 3 matapos na may magnguso sa mga parak ukol sa isang lalaking nanggugulo sa nasabing kalye.
Pagresponde ng mga parak ay inabutan ang suspek sa labas ng kanyang bahay at animo koboy na naghihintay ng kaduwelo habang may nakabukol sa baywang.
Nang ipataas ng pulis sa suspek ang kamiseta ay bumulaga at kinumpiska ang isang kalibre 45 (WF 050283) na kargado ng magazine na may lamang tatlong bala kaya’t agad siyang dinampot.
More Stories
Dating Mayor Joric Gacula, buong pusong tumanggap ng pagkatalo sa halalan
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)