May mga pagkakataong may mga taong huli o wala sa ilang events o meetings. Maaaring maging kakatwa ang rason ng ilan dito. Kagaya halimbawa ng training session’s ng isang sports team.
Isang eksampol na rito ang nangyari kay dating Universidad de Chile football ace Guillermo Marino. Si Marino ay ex-Boca Juniors star.
Pambihira ang kanyang naging rason kung bakit wala siya sa training. Nitong nakalipas na mga taon, may mga pagkakataong wala o late sa training ang Argentinian football player.
Ano ang kakatwa nitong rason? Ayon sa kanyang teammate na si Gustavo Lorenzetti, kinuha raw ng mga aliens ang kelot.
“He says that he arrived late to one training because he was abducted by aliens,” ani Lorenzetti.
“He gave us the entire explanation of what he felt and the rest of it.”
Ayon pa kay Lorenzetti, ang paliwanag ng kelot tungkol sa kanyang pagiging late— ay nawala niya siya. At ang matindi, kinuha siya ng mga aliens.
Paliwanag pa ni Marino, kinukuha ng mga aliens ang kaluluwa at inaalisa. Habang nasa paglalakbay, matamang minamasdan ang kanilang biktima. Aniya, parang ganun raw.
Tiwala naman si Lorenzetti na nagsasabi ng totoo ang kelot. Hindi rin siya naniniwala na nagdadahilan lamang ito.
“Honestly I believe in aliens. He gave a great explanation and we’ll have to believe him. So other types of channels will have to call him so he can tell it better. But in any case, he was abducted by aliens,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2