Binigyang-diin ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo na dapat lamang ang pagkaka-cite in contempt kay dating presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Nag-ugat ito sa pagbalewala umano ni Roque sa mga pagdinig at umano’y pagsisinungaling.
Matatandaang hindi dumating si Roque noong nakaraang linggo dahil may hearing daw siya sa Manila Regional Trial Court (RTC).
Pero ayon sa korte, walang ganun schedule sa kanilang sala ang dating presidential spokesman.
Kaya naman, inaprubahan ng committee chairman na si Rep. Robert Ace Barbers ang pag-cite in contempt laban kay Roque.
Mananatili siya sa kostudiya ng Kamara sa susunod na 24 na oras.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA