November 15, 2024

ARESTO VS ALICE GUO IPINAG-UTOS NG PASIG RTC (Para sa non-bailable trafficking charges)

IPINAG-UTOS na ng Pasig Regional Trial Court (RTC) ang paglabas ng warrant of arrest laban kay dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo at iba pang business partners kaugnayu sa non-bailable charges ng qualified trafficking.

“After examining the five (5) Informations, the resolution, and all the documents presented during the Preliminary Investigation, the Court finds probable cause to hold accused Alice Leal Guo….for trial for the crime/s charged against them,” saad ni said Pasig City RTC Branch 167 Judge Annielyn Medes-Cabelis sa isang kautusan na may petsang September 19.

Inilabas ang warrant of arrest laban kay Guo at sa 15 iba pa, na kinabibilangan ng mga Chinese partners ng dating alkalde at isa na rito ay si Huang Zhiyang, ang umano’y big boss ng POGOs (Philippine Offshore Gaming Operations).

Kabilang sa naturang order ay si Dennis Cunanan, ang dating hepe ng state agency na Technology and Livelihood Resource Center, na siyang nagsilbing consultang ng POGO sa Bamban, Tarlac at POGO sa Porac, Pampanga – parehong sinalakay ng mga awtoridad matapos makatanggap ng reklamo ng trafficking at torture.

Ipinag-utos din ng piskal na ilipat si Guo sa Pasig City Jail Female Dormitory. Si Guo ay kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police custodial center sa Camp Crame, na ninais niyang manatili dahil sa pakiramdam niya ay ligtas siya roon. Pinili rin ni Guo na hindi magpiyansa para sa kanyang graft case na naka-pending sa Valenzuela RTC (inilipat mula sa Capas, Tarlac), na ayon sa ilang mambabatas ay upang maiwasan nito na malagay sa kustodiya ng Senado o Kamara. Nais ng mababang kapulungan na i-take over ang custody kay Guo.

“All the accused in these cases are not entitled to post bail as the charges against them are all non-bailable,” ayon sa utos ng piskal.