
Camp Crame, Quezon City — Handang humarap sa anumang kaso ang mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon mismo sa tagapagsalita ng PNP.
Ito’y matapos ang panawagan ni Senadora Imee Marcos sa Office of the Ombudsman na imbestigahan sina PNP chief Gen. Rommel Marbil at CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III, kasama ang iba pang opisyal ng kapulisan.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Jean Fajardo, “Handa po ang ating mga opisyal na sagutin ang anumang paratang sa tamang forum.”
Giit pa ni Fajardo, nasa legal na mandato ng PNP ang ginawang pag-aresto, at tumulong lang umano ang PNP sa Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) sa pagpapatupad ng Interpol red diffusion.
“Hindi po sila lumagpas sa batas. Tumugon lamang sila sa request ng PCTC para tumulong sa implementasyon ng red notice,” dagdag pa niya.
Pero hindi kumbinsido si Sen. Marcos sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations, naglabas siya ng karagdagang findings at inirekomendang kasuhan sa Ombudsman ang mga opisyal.
Narito ang mga alegasyong ibinabato ni Marcos:
🔴 Gen. Rommel Marbil
- Arbitrary detention
- Paglabag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sa umano’y pag-udyok kay Gen. Torre na gumawa ng ilegal na aksyon
- Grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of public service
🔴 Maj. Gen. Nicolas Torre III
- Dalawang bilang ng arbitrary detention kina Duterte at dating Executive Secretary Salvador Medialdea
- Paglabag sa RA 7438 sa umano’y hindi pagpapahintulot sa pagbisita ni VP Sara Duterte at pagpapaalis sa mga abogado ni Duterte
- Paglabag din sa RA 3019, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of public service
Tuloy ang tensyon sa pagitan ng Senado at kapulisan — habang hinihintay ng publiko kung saan hahantong ang isyu ng pag-aresto sa dating pangulo.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms