Inihayag ng Sta. Lucia Lady Realtors ang kanilang paglambat sa serbisyo ni Arellano University volleybelle star Regine Arocha. Kinumpirma ito ng Lady Realtors sa kanilang social media account kaugnay na din sa muling pagbubukas ng Philippine Superliga.
“As we move closer to the return of our beloved sport, (sooner rather than later, hopefully) we welcome a new addition to the Sta. Lucia family in NCAA and Arellano University standout @RArocha13! We can’t wait to see you in green and gold,” saad ng team sa kanilang Twitter account.
Si Arocha, na nagwagi ng kampeonato sa Arellano at naglaro rin sa Cocolife noong 2017; ay nagpost din ng kanyang pagkakadagdag sa team.
“Back to color green jersey,” post ni Arocha sa kanyang Twitter account.
Umaasa ang Lady Realtors na malaki ang magagawa ni Arocha sa team, lalo pa’t nahirang ito na NCAA women’s volleyball Finals MVP award noong 2019. Naglaro rin siya sa Arellano Lady Chiefs noong NCAA 2020 season bago ito makansela dahil sa CoViD-19 pandemic.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2