January 27, 2025

Appointment ni Cardoba binitin ng CA…  HONTIVEROS, MARCOLETA ‘NAGLIYAB’ SA ABS-CBN SHUTDOWN

BIGO pa ang Commission on Appointments na pagtibayin ang ad interim appointment ni  Commission on Audit chairman Gamaliel Cordoba.

Ito ay nang suspindihin  ng Committee on Constitutional Commissions and Offices ang pagtalakay sa nominasyon ni Cordoba dahil may mga katangungan pang nais ibato sa opisyal.

Sa hearing, inungkat ni Senador Risa Hontiveros  ang isyu ng prangkisa sa ABS-CBN kung saan kinuwestyon nito si Cordoba kung bakit hindi niya pinanindigan ang kanyang naunang pahayag na  bibigyan ng provisional authority to operate ng kumpanya noong siya pa ang pinuno  ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa  halip na provisional authority, seize and decease order ang inilabas ng NTC na ayon kay Cordoba ay batay sa desisyon ng Korte Suprema kaugnay sa kaso ng kumpanya.

Naging mainit naman ang  diskusyon nang kuwestiyunin ni Rep. Rodante Marcoleta ang muling pag-uungkat ni  Hontiveros sa isyu gayung matagal na aniya itong nedisyunan kasabay ng pagkontra sa pahayag ng senadora na higit 11,000 na manggagawa ang apektado dahil mahigit 2,000 lamang ang regular employees  ng ABS-CBN.

Iginiit din ni Marcoleta na walang kinalaman ang isyu sa press freedom na agad namang mainit na sinagot ni Hontiveros na ang pagsasara ng ABS-CBN ay nagbuhol-buhol din sa kalayaan sa pamamahayag.