MAAARI na ngayon mag-aplay at makakuha ang mga Navoteño ng kanilang mga napatunayang kopya ng mga dokumento ng Philippine Statistics Authority sa Navotas City Hall.
Ang pamahalaang lungsod ay awtorisado ng tumanggap ng mga kahilingan at maglabas ng mga kopya ng mga inilabas ng PSA, kasunod ng pagpasa ng City Ordinance No. 2023-30 para sa pagpapatupad ng Batch Request Query System (BREQS).
Kabilang sa mga dokumentong maaaring iproseso sa pamamagitan ng BREQS ay birth certificate, marriage certificate, death certificate, certificate of no marriage (CENOMAR), advisory on marriages, court decision o legal instrument, at annotated civil registry documents.
“BREQS will make it easier and more convenient for Navoteños and non-Navoteños alike to access civil registry services,” saad ni Mayor John Rey Tiangco.
“PSA documents are important in availing government assistance. Through this system, we hope to open more opportunities for our people to avail programs and services that are due to them,” dagdag niya.
Ang mga residente at hindi residente ng Navotas ay maaaring bumisita sa Local Civil Registry Office sa ikalawang palapag ng Navotas City Hall upang mag-aplay para sa alinman sa mga nabanggit na sertipikasyon.
Bukod naman sa regular na bayad na ipinataw ng PSA, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay maningil din ng administrative fee na P40.00 sa bawat dokumentong hinihiling.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA