December 26, 2024

APELA NI MARCOS JR SA PUBLIKO: MAGPA-BOOSTER SHOT NA

PAYAG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa panukala na i-require sa mga Pinoy na magpabakuna ng unang booster shot para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Omicron subvariants.

Ito’y matapos ipatawag ni Marcos ang Health officials sa Malacañang kabilang na ang mga miyembro ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at PhiliHealth upang talakayin ang vaccination program ng bansa.

Ang naturang hakbang ay isinagawa bilang paghahanda sa 100% implementation ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Binigyang-diin ni Marcos Jr na kailangan mapalakas ang proteksyon laban sa Omicron subvariants, lalo na ang mga estudyante, para sa kanilang pagbabalik eskwela.

“This is going to be very important lalo na in preparation for school in the coming semester. Ang plano ni (Vice President) Sara (Duterte-Carpio) to phase in already complete face-to-face. So sana ma-vaccinate,” ayon sa pangulo.

Dahil malaki pa ring hamon ang pag-aalinlangan sa bakuna, inatasan na rin ng Pangulo ang DOH na paigtingin ang kanilang informational efforts at iparating sa mga tao ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster shot. “We have to explain. The best explanation we can have is that for the Alpha and the following strains, the vaccine was two shots and it was sufficient for good immunity but still not full immunity,” wika ni Marcos Jr.

“But now for Omicron, you have to get the booster because it is slightly different. The vaccines that we are using were designed for Alpha, and even Delta medyo not as effective,” dagdag niya.