Nakarating sa pamunuan ng UAAP ang sulat mula sa UST, kung saan ay nakasaad ang apela ng dating coach na si Aldin Ayo.
Nakalagay sa apela ang ipinataw dito na ‘indifinite ban’ sa buong UAAP events. Gayundin sa UAAP sanctioned activities. Ito ay dahil sa ‘Sorsogon bubble training controversy na kinasasangkutan ni Ayo at ng UST Tigers.
Ibinatay ng UAAP ang desisyon sa ulat na ibinigay ng UST galing sa kanilang imbestigasyon.
Depensa ni Ayo, wala sa hulog at hindi makatarungan ang ibinigay na parusa sa kanya. Gayung pinatotohanan ng Sorsogon Police na wala silang nilabag sa health protocols.
Wala rin silang na-violate na guidelines ng IATF nang mga panahong nagpunta sila sa nasabing lalawigan.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2