November 18, 2024

Antipolo City, bagong provincial capital ng Rizal

NILAGDAAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglilipat sa capital at seat government ng lalawigan ng Rizal mula Pasig City patungong Antipolo City.

Ayon sa inilabas na kopya ng batas na inilabas ngayong Lunes, pirmado na ni Duterte ang Republic Act No. 11475 na may petstang Hunyo 19.

“Upon the effectivity of this Act, the present Provincial Capitol located in the City of Antipolo, Province of Rizal shall be deemed as the official Provincial Government Center where all the provincial offices shall be established,” nakasaad sa batas.

Magiging epektibo ang batas, 15 araw matapos maisapubliko sa mga pahayagan o sa Official Gazette.

Ang Pasig City ay dating bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Dati ring nasa Pasig ang kapitolyo ng Rizal kaya may bahagi ng Pasig City na kung tawagin ngayon ay ‘Kapitolyo’.

Noong 1975, naging bahagi na ng Metro Manila ang Pasig City.

Taong 2009 naman ng magsilbing de facto capital ng Rizal province ang Antipolo matapos na itayo doon ang provincial capitol building. ARNOLD PAJARON JR