Magandang araw mga Cabalen. Kumustang muli ang buhay natin?
Sana po ay lagi kayong nasa mabuting kalagayan.
Kaugnay sa panukalang isabatas ang Anti-Terrorism Bill, may ilan ang hindi sang-ayon. Pero, ang karamihan ay suportado ang nabanggit na bill.
Dahil sa panukalang batas na ito, mga Cabalen, nahahati ang sambayanang Pilipino. Pero, kung ito ang pag-uusapan, dito na papasok ang kasabihan na: “It’s the quality of quantity that counts”. Ibig sabihin mga Cabalen, kung ano ang gusto ng nakararami, iyon ang masusunod.
Nakita kasi ng mayorya sa ating mga kababayan ang kabutihang dulot sa ating bansa ng isinusulong na batas na ito ni Sen. Panfilo Lacson. Na naglalayung paigtingin ang batas kontra sa terorismo.
Ngayon, tingnan natin ang lohika ng panukalang batas, masama bang labanan ang terorismo at ang nasa likod nito?
Kaugnay dito, naisumite na Deputy Executive Secretary for Legal Affairs sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang enrolled copy ng Anti-Terrorism Bill.
Ano ang ibig sabihin nito mga Cabalen? Nangangahulugan ito na mayroon nang memorandum na naglalaman ng rekomendasyon kung ano ang kalalabasan ng nasabing bill. Ayon nga kay Presidential Spokesman Harry Roque, nangangahulugang ‘subject for final approval’ pa ito ng tanggapan ni Sec. Medialdea. FDor short, abot –kamay nang maging batas ang Anti-Terrorism Bill.
Siyempre, dahil executive secretary ng Pangulo si Medialdea, mapapadali ang pagbibigay ng bill kay Pangulong Duterte. Kapag nasa lamesa na ng Pangulo ang papeles, mayroong pang pitong araw o hanggang July 9 ang Pangulo na lagdaan o i-veto ang panukala. Kapag napirmahan na, ganap na itong magiging batas.
Ngayon mga Cabalen, mukhang hindi na mapipigilang maisabatas ang Anti-Terrorism Bill. Magandang balita para sa iba, isa namang bangungot para sa ilan.
Makabubuting timbangin sana ng mga tutol ang panukalang batas. Huwag sanang negatibo ang pag-iisip ng ilan dito. Kung mahal mo ang bayan mo, ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo— sasang-ayon ka. Kung hindi naman, irespeto sana natin ang opinyon ng iba.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!