Nagpatrolya ang mga tauhan ng Manila Police District Special Weaponms and Tactics sa Blumentritt Market sa Maynila upang tiyakin ang kaligtasan ng mga namamalengke kasunod ng nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinasawi ng 14 katao at 75 sugatan. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
IGINIIT ni Senator Roland “Bato” Dela Rosa na ang pagsasabatas ng Anti-Terrorism Act of 2020 ang tanging susi sa pagresolba ng krimen na gawa ng terorismo sa bansa.
Ginawa ng senador ang pahayag kasabay ng pagkondena sa kambal na pagsabog sa sa Jolo, Sulu na isinagawa ng dalawang babaeng suicide bomber na sinasabing may koneksiyon kay Abu Sayyaf bomber Mundi Sawadjaan, pamangkin ni Abu Sayyaf sub-leader at Islamic State (ISIS) head sa bansa na si Hajan Sawadjaan.
“Nakalulungkot isipin na sa kabila ng paghihirap at pasakit na nararanasan ng ating bansa at mamamayan dulot ng COVID-19 pandemic, nakuha pang isagawa ang karumal-dumal na krimen na ito sa Jolo na nagdulot ng karagdagang hinagpis sa ating bansa, lalo na sa mga pamilya ng mga nasawi at nasaktan,” malungkot na pahayag ni Dela Rosa.
“Tunay nga na ang mga terorista ay hindi pipili ng panahon at lugar kung saan maghasik ng lagim. Ito na po yung kasagutan sa mga bumabatikos sa timing ng pagsabatas ng Anti-Terrorism Law,” dagdag pa niya.
Nangangamba rin aniya siya na posibleng mangyari ang madugong Jolo twin bombing sa Metro Manila.
“Hindi malayo, na itong posibleng grim scenario na itong mga suicide bombers ay pwedeng makakarating dito sa Metro Manila dahil sa ngayon we have an intelligence indicating that yung mga anak ng mga namamatay na mga Abu Sayyaf members ay kinukupkop ng Abu Sayyaf at nira-radicalize para magiging suicide bomber. So we expect Mr. President, sana hindi sila dadami.
Sinabi rin ng naturang senador na ang Republic Act 11479, ang magpaparusa sa mga lahat ng mga taong nasa likod ng ganitong klase ng gawaing terorismo.
Gayunpaman, sa kabila ng magandang intensyon ng batas na ito, patuloy pa rin ang pambabatikos ng iba’t ibang grupo dahil sa pangambang maaari itong abusuhin ng pamahalaan.
Giit ng senador, hindi pa ba sapat ang nangyaring Jolo bombing para mapatunayang nangyayari ang terorismo sa bansa, at kailangan natin ng proteksyon kontra dito.
Kasabay nito, ay hinamon ni Dela Rosa ang mga human rights advocate, na kondenahin ang naturang pag atake at bigyang pansin rin ang mga paghihirap at sakripisyo ng ating mga sundalo at pulis.
“Despite its noble intention, many individuals and groups have raised their frantic concerns on their conceived and imagined abuses that may possibly be committed by the government in implementing this measure,” sabi ng dating pinuno ng Philippine National Police (PNP).
“This is also a challenge to all human rights advocates to condemn this terroristic attack, and focus, not just on the ill actions done by a few members of the military and the police, but also the sufferings and sacrifices of the majority of these men for their countrymen,” dagdag ni Dela Rosa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA