Sukang-suka na si Konsehal PJ Malonzo sa lumang estilo ng mga epal na politiko sa Caloocan City, kaya nais niyang ipagbawal ang ganitong uri ng gawain na matagal nang nakasanayan.
“Ang Pera ng Caloocan ay Pera ng Taumbayan kaya dapat ang mga taga-Caloocan ang Makinabang,” ayon sa konsehal, kung saan nabanggit din niya si yumaong Senator Miriam Defensor-Santiago para sa naturang ideya.
“Pwede nyong pasalamatan ang mga pulitiko pag ginagawa nila ang kanilang responsibilidad. Subalit hindi nyo dapat maging utang na loob kahit kailanman dahil tungkulin nila gawin ang tama para sa bayan.”
Nakipagtulungan si Malonzo sa kapwa konsehal na sina Alou Nubla, Alex Mangasar at Carding Bagus para sa panukala, na nagbabawal sa mga politiko na naglalagay ng pangalan, mukha at campaign logo sa anumang mga proyekto o materyales na pinondohan naman ng buwis na galing sa bulsa ng publiko.
“Panahon na para palitan natin ang Garapal na sistema ng mga pulitikong naglalagay ng kanilang mukha o pangalan sa pag-aari ng taumabayan ng Caloocan,” dagdag niya.
More Stories
LGUs, TV stations, Simbahang Katoliko pinagkakatiwalaang sektor sa ‘Pinas
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)