Isasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ang online National Sports Summit (NSS) sa Huwebes.
Tatalakayin sa nasabing summit ang clean and fair game. Ito ay pangangasiwaan ni Dr. Alejandro Pineda ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHINADO).
Tampok na tatalakaying paksa ang “Anti-Doping Efforts in Philippine Sports,” “Sports Science and Sports Success” at ang “High-Performance Sports and Athletic Success.”
Si Dr. Pineda ay kilalang pader ng world anti-doping policies. Siya ang naging kinatawan ng bansa sa Southeast Asia Regional Anti-doping Organization (SEA RADO).Layun ng summit na ipatupad ang 2021 World Anti-Doping Code sa bansa.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT