December 26, 2024

ANTI-COLORUM OPERATION NG HPG, MAS PAIIGTINGIN

MAS paiigtingin pa ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kanilang operasyon laban sa mga colorum na sasakyan makaraang may mga nahuli na ilegal na naghahatid palabas at papasok ng ‘National Capital Region (NCR) Plus’ area.

Ayon kay PNP-HPG chief Brig. Gen. Alexander Tagum, agad niyang inatasan ang mga HPG regional chiefs at highway patrol unit sa Calabarzon, Bicol Region at Metro Manila na lalo pang higpitan ang kanilang pagbabantay, matapos maharang ang isang cargo truck na ilegal na bumabiyahe sakay ang mga  pasahero mula Ragay, Camarines Sut papuntang Tagkawayan, Quezon noong Abril 3.

Nito namang Abril 4, bistado rin ng mga tauhan ng HPG katuwang ang Land Transporation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 13 colorum na sasakyan – 11 pampasaherong van at dalawang sasakyan dahil sa parehong paglabag.

Sumunod na araw, naharang din ng Regional Highway Patrol Units (RHPU) sa National Capital Region ang 11 pang pampasaherong van na maghahatid sana ng mga unauthorized person outside residence o UPOR sa iba’t ibang destinasyon.

“Even before the video broke out in the news yesterday (Wednesday), our (regional chiefs) in Regions 4A and 5, in coordination with the LTFRB and other concerned agencies, were already actively addressing the incident to make sure that it will not happen again,” ayon kay Tagum.


The HPG said it also continues to work with the LTFRB, Land Transportation Office, and the Metropolitan Manila Development Authority in preventing the unnecessary movement or transport of people to and from Metro Manila and the neighboring provinces of Bulacan, Cavite, Laguna, and Rizal. The ‘NCR Plus’ is under ECQ until April 11.