Pinabagsak ni heavyweight boxer Anthony Joshua si Kubrat Pulev ng Bulgaria sa kanilang laban sa Wembley Arena sa London.
Ang laban ay nasaksihan ng 1,000 fans na limitado lamang dahil sa Coronavirus restrictions. Dito, tiniyak ni Joshua na hindi na mauulit ang bangungot na sinapit niya kay Andy Ruiz Jr. noong 2019.
Kaya naman, pinabagsak niya si Pulev sa pamamagitan ng three uppercuts sa round nine.
Photo by Andrew Couldridge/PA Images via Getty Images
Kaya naman, dinispatsa niya ang 39-anyos na si Pulev. Bunsod ng panalo, nais ni Joshua na mahablot lahat ng four heavyweight boxing titles.
Matutupad lamang ito kung maghahap sila ng kapwa British pug na si Tyson Fury. Si Fury ay current WBC heavyweight champion.
Tangan ni Joshua ang IBF, WBA, at WBO world champion sa ngayon sa heavyweight division.
“I’m up for anything. Who wants to see Anthony Joshua box Tyson Fury in 2021?” sabi ni Joshua.
“I started this game in 2013 and I’ve been chasing the belts ever since.”
“Whoever has got the belt, I would love to compete with them. If that is Tyson Fury then let it be Tyson Fury.”
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2