
Bumira si Anthony Davis ng 34 points sa paglunod ng Los Angeles Lakers sa San Antonio Spurs, 114-106. Gumawa rin siya ng 15 boards, 6 assists at 2 steals. Nag-ambag naman si Russell Wesbrook ng 14 points, 11 boards at 7 assists.
Samantala, dinagit naman ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 120-100. Bumida si Trae Young sa Hawks sa pagkana ng 42 points. Kasama na rito ang 10 assists at 8 rebounds. Tumulong naman si Clint Capella sa pag-ambag ng 12 points, 13 boards at 2 steals.
Sa panig naman ng Bucks, gumawa si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 5 boards. Si Jrue Holiday naman ay naglista ng 19 points at 8 assists.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY