Hinirang na ‘Defensive Player of the Year’ ng NBA si Giannis Antetokuonmpo ng Milwaukee Bucks. Naging opisyal ang pagkakaluklok sa Bucks star sa parangal dahil sa boto.
Umani ng kabuuang 432 points (75- first place votes) sa ballot si Giannis mula sa panel ng 100 sportwriters at broadcasters.
Bumuntot naman sa second place si Lakers power forward Anthony Davis (200 points, 14 first-place votes. Sumunod naman si Rudy Gobert ng Utah (187 points, 6-first-place votes).
Dahil sa awardm nakahilera na si Giannis sa defensive elite. Na kabilang rito sina Hakeem Olajuwon, Michael Jordan, David Robinson at Kevin Garnett.
Ang mga defensive elite na nabanggit ay nagwagi rin ng MVP bukod sa pagiging Defensive Palyer of the Year.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na