November 22, 2024

ANO NGA BA ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG ISTORYA NG NASAWING NURSE SA CAINTA?

Una sa lahat sampu ng aking mga kasamahan sa Agila ng Bayan, kami po ay lubos na nakikiramay sa pamilya ng ating magiting na nurse rito sa bayan namin sa Cainta na si Ma. Theresa Cruz na yumao kamakailan lang dahil sa COVID-19.

Nitong kamakailan nga lamang ay nag-viral ang Facebook post ng anak ng namatay na nurse na si Joie Cruz na imbes daw na P30,000 ang inaahasan na makukuhang COVID-19 hazard pay ng kanyang magulang, ay nasa P7,000 lamang ang binigay ng Cainta LGU.

Dahilan para imbestigahan ng DILG ang alegasyon ng reduction ng hazard pay ng nurse na si Ma. Theresa na nagtatrabaho sa Cainta Municipal Hospital.

Pero ano nga ba ang katotohanan sa likod nito?

Sabi sa artikulo P150 a day lang daw ang natanggap ng nurse na hazard pay.

Pero paliwanag ni Mayor Kit Nieto na P300 a day ang hazard pay na ibinibigay ng local government unit sa mga frontliner. Bukod pa raw iyan sa suweldong kanilang matatanggap bilang nurse ng Cainta Municipal Hospital.

“Sa 60 day period na pinagbasehan ng COVID-19 timline, kung pumasok ang frontliner ng 60 days ay makatatanggap siya ng P18,000. Pero ang nasawing nurse ay pumasok lamang ng 33 days. Ang kanyang suweldo ay P21,000 at tumanggap na rin siya ng hazard pay base sa percentage ng nakukuha niyang sweldo kahit wala pang COVID-19,” paliwanag ng alkalde.

Ayon sa circular sa national, magtatakda ng amount para sa hazard pay base sa kakayahan ng munisipyo. Kaya’t P300 a day o P18,000 kada empleyado ang kabuang bilang na ibinibigay ng lokal na pamahalaan.

“Kung may hazard na na natatanggap ang tao, yung difference idadagdag para mabuo ang 300. Yun ang ginawa ng accounting office. Bukod sa hazard na nakuha niya bilang nurse, dinagdag pa dun yung balanse para maging 300 a day ang hazard pay ng namatay,” wika pa ng alkalde.

Wala rin aniyang katotohanan na tinanggihan daw ang kanyang nanay  na magpa-swab test.

“Hindi din totoo na tinanggihan siya sa request ng swab. Siya ang nagdecide na i cancel ang request dahil maganda na daw ang pakiramdam niya. Nilagay ko na ang text convo para mabasa ninyo at maintindihan. Sila sila pa ba naman ang hindi magtutulungan eh sila sila rin naman ang nasa ospital,” sambit ng alkalde.

Paglilinaw pa ni Mayor Kit na hindi nakalataga sa COVID ward ang nasabing nurse at mag-alaga ng COVID patient. Bagkus inilagay sa pedia ward ng hospital director dahil na rin sa kanyang history ailments.

Nagbigay din ang Cainta LGU ng P50,000 bilang pinansiyal na tulong sa namatayan.

“Personal kong kinausap sa phone ang author ng article (anak ng namatay)  makalipas ang ilang araw ng pagkamatay upang alamin kung may maitutulong pa ang gobyerno para maibsan ang lungkot ng pamilya. Nagpasalamat ang anak at humingi ng tulong kung pwede akong kumuha ng pare sa huling basbas ng kanyang ina… inatasan ko ang aking staff na si  Ella Tuberlleha Manabat na ayusin ito para makatulong sa pamilya,” ayon sa alkalde.

Para ipakita na hindi nagpabaya ang lokal na pamahalaan para ibigay ang tulong sa kanila ay ipinakita rin ng alkalde ang palitan ng mensahe ng namatay na nurse at Social Welfare Office.

“Walang may gusto sa pangyayari pero hindi naman naging manhid ang gobyerno at ang mga kawani nito sa kalagayan ng namatay at pamilya ng namatayan.”

Humingi rin ng kapatawaran si Mayor Kit Nieto kung hindi naging sapat ang pagtugon ospital o ng kanyang opisina sa pangyayari.

“I would extend my apologies. But i will not just let this pass at tatahimik kahit na alam ko kung ano ang totoong nangyari. At kung ano ang ginawa ng gobyerno para ibigay sa kanila ang tulong na kaya nitong ilaan,” saad ng alkalde.

“Aaminin ko naman. Sa panahon ng pandemic, yung mga tao sa labas ang naisip ko. Ang binigyan ko ng diin at panahon. Pinaglaanan ng pondo. Kasi alam ko yun ang trabaho ko. Yung ang dahilan kung bakit andito ako. Sa huli na kami. Sila muna na umaasa ng tulong kasi nawalan sila ng trabaho. Wala namang natigil sa sweldo ng mga nasa gobyerno. Tuloy tuloy lang habang ang mga nasa pribadong construction workers at bpo, nagsipag tanggalan at nahinto ang mga buhay,” giit pa ni Mayor Kit.

Sa totoo marami ang nakakilala kay Mayor Kit, palagi niyang isinasakripisyo ang kanyang sarili para mapabuti ang kalagayan ng mga kapwa ko Cainteño. Ni minsan ay wala tayong narinig na reklamo sa kanya kahit sobrang bigat na ng kanyang pinapasan.

Katwiran ng alkalde, ‘Kasi alam ko ang pinasok ko. At ‘pag alam ko namang di ko na kaya, aalis lang ako nang tahimik.

‘Yun lang po.