January 23, 2025

Ano ba ang mas maganda, white sand o mga nakatambak noon na basura sa Look ng Maynila?

Nagtataka tayo mga Cabalen sa isyu ngayon tungkol sa white sand na inilagay sa Manila Bay. May ilan kasing minasama ang pagkamada nito.

Nakita naman natin na maganda ito nang ilagay. Bakit, umalma ang iba? Criticism to the max ika nga.

Ano ba ang gusto ng ilan na nakatambak doon sa Look ng Maynila? Mga basura?

Nung hindi kaaya-aya ang pook, wala tayong narinig sa kanila. Pero, nang linisin ito’t i-makeover, saka sila umatungal.

Ang kritisismo rito ng ilan ay ang sangkap na ‘dolomite’ mula sa synthetic sand.

Ito yung bato mula sa Cebu na dinurog. Ika ng iba, masama ito. Pero, sinabi ng DOH na dumaan sa masusing pag-aaral ang paglalagay ng white sand.

Bagama’t mayroon itong epekto sa katawan, depende kung ilang beses magtungo ang tao roon. Pwede namang magsuot ng facemask.

Sa ganang akin, mga Cabalen, walang masa sa ginawa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ano ba ang mas nakasasama, white sand o umaalingaw na amoy ng basura na nakatambak noon sa Baywalk? Munihin n’yo mga Cabalen.

Kung walang mabuting sasabihin ng iba, manahimik na lang po siguro.