December 23, 2024

ANO ANG MISTERYONG BUMABALOT SA GRUPONG ‘BOHEMIAN GROOVE’?

Kakaibang pook ang  tinatawag na ‘Bohemian Grove’ na matatagpuan sa Monte Rio sa California. Bakit? Sinasabing ang nasabing pook ay isang club na may lawak na 2,700 acres. Ito ay ginawa noong 1872. Anong misteryo ang nakapaloob  dito? Ayon sa ulat, tanging mga miyembro lamang ang maaaring makapunta rito pati ang kanilang mga panauhin. Ayon pa sa ibang ulat at sabi-sabi, mga prominenteng mga tao ang miyembro ng nasabing club o kabilang sa tinatawag na ‘elite group’.

Noong 1878, ang tradisyon ng summer encamptment na ito ay ipinakilala pagkatapos na ang grupo ay nagdaos ng festive sendoff party bilang parangal kay Henry Edwards, isa sa founding members ng club na kalaunan ay nagtungo sa New York.

Mula noon, ang mga elite member nito, kabilang ang mga politicians, prominent business leaders, senior media executives, artists at ibang makapangyarihan sa lipunan— ay nagkakatipon-tipon tuwing buwan ng Hulyo para sa 2 to 3 week encampment. Ayon isa isang kolumnista ng Vanity Fair , na nakadalo sa pagtitipon ng grupo noong 1989 encampment, kabilang aniya sa ginagawa ng mga kalalakihang miyembro ay naninigarilyo at umiihi sa mga halaman  (bushes).

Ang festive sa kampo ay nagsisimula sa seremonyas na kilala sa tawag na ‘ The Cremation of Care’, kung saan ay nagrerelaks ang mga members upang ilabas ang nararamdaman nilang stress. Sa huling linggo ng camp, ang mga members ay nagsasagawa ng Grove Play, isang musical theather production na mayroong casts, stage crew, chorus at orchestra.

Ang festive sa kampo ay nagsisimula sa seremonyas na kilala sa tawag na ‘ The Cremation of Care’, kung saan ay nagrerelaks ang mga members upang ilabas ang nararamdaman nilang stress. Sa huling linggo ng camp, ang mga members ay nagsasagawa ng Grove Play, isang musical theather production na mayroong casts, stage crew, chorus at orchestra.

Isinasagawa rin ang ilang okasyon gaya ng ‘Spring Jinks’ tuwing buwan ng Hunyo— at angh ‘Ladies Jinks’, na para sa mga esposa ng mga miyembro at ng kanilang inanyayahang panauhin. Kapag ang Grove ay hindi ginagamit, ang mga miyembro ay may kakayahan ng pagtatakda ng private day events— at pinapayagan din ng full access sa ilang amphitheaters, campfire pits at iba pa. Gayunman, ang mga kababaihan at iba pang guests ay hindi na pinapayagan kapag sumapit ang alas 9:00 o 10:00 P.M.

Bagama’t itinatago ang secrecy ng mga miyembro ng Bohemian Grove, pinaniniwalaan na mayroong 2,500 hanggang 2,700 miyembro ang club, na kinabibilangan ng world’s richest, most conservative at primarily white men. May sitsit din na hindi nila pinapayagang magkaroon ng black o Jewish men sa kanilang inner circle. Gayunman, may ulat na ang dating Secretary of State Colin Powell, na isang black man, ay member ng samahan.

May waiting list din ng mga gustong maging member ng club ng 15 hanggang 30 taon na may $8,500 initiation fee at $2,000 yearly fee ng sinumang maging miyembro.

Kapag ang isang lalaki ay 40 taon nang miyembro, siya ay iluluklok sa ‘Old Gurad” status, na magbibigay sa kanya ng reserved seating. Ang mga sinasabing kilalang miyembro ng club mula noon hanggang ngayon ( often referred bilang “Bohos o Grovers”)  ay sina George H.W. Bush, William Randolph Hearst, Charles Scripps, Leonard Firestone, Charlie Chaplin, the King of Sweden, Jimmie Buffet, Arnold Schwarzenegger at  Henry Kissinger.Noong 1955, napasama sa grove sina Ronald Reagan, Richard Nixon at Glen Seaborg.

Noon, hindi pinapayagan na magkaroon ng miyembrong kababaihan, pinayagan si Queen Elizabeth ng Britain na sumama sa summer festivities noong 1983. Karagdagan pa, apat na kababaihan ang naging honorary members nito ( kahit ang iba ay yumao na) kabilang si Sara Jane Lippincott at  si Ina Coolbrith, isang well known poet. Si Coolbrith ang huling babaeng honorary member na namatay noong 1928.