
HINDI raw ‘prank’ ang pag-iimbita ni Anne Curtis sa mga Pilipinong mga migrant workers na uuwi ngayon na gustong panoorin ng live ang kanyang birthday celebration sa programang ‘It’s Showtime’ nila ni Vice Ganda.
Sa mismong X niya ipinost ang nasabing pangungumbida, at maraming mga OFW ang natuwa at tiyak nang susugudin nila ang show na ito nina Anne at Vice.
“Malaking tulong sa show nina Anne at Vice ang inbitasyon na isiniwalat ni Anne, dahil lalong gumanda ang appeal ng ‘It’s Showtime’ at naging mabango ito sa mga OFW.
“Ang malaking problema nila ngayon ay kung paano nila magagawang papasukin sa studyo ng ‘It’s Showtime’ ang lahat ng mga migrant workers? Na gustong makapanood ng live celebration ng birthday ni Anne Curtis, sa darating na February 24, Saturday dahil maliit lang ang kanilang studyo.
“Mapililitang lumabas ang buong cast at productions, dahil maraming mga OFW ang tiyak na kakasa sa pag-iimbita ni Anne. Paano raw iyong hindi makakapasok? Para makapanood ng kanyang birthday celebration, kaya suggest ng mga OFW nasa malaking venue nila ito gawin,” chika pa ng aking source.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC