DAPAT nanahimik na lamang muna itong si Annabelle Rama sa hiwalayan isyu nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, halatang ayaw niya talaga kay Sarah kaya inunahan na niya ang isyu sa social media.
“Dapat nasa gitna lang siya kung may hindi na magandang nangyayari sa relasyong Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, kaso inunahan na niya at nag-ingay at kinampihan ang kanyang anak.
“Ayaw pala niyang maghiwalay sina Richard at Sarah, bakit siya ang nagpuputak sa social media? Gayung iyong dalawa ay tahimik lamang.
“Wala raw siyang alam gayung siya ang nagbigay ng dahilan para siya putaktihin ng mga bashers, tapos bigla siyang kambyo ngayon. “Ayaw daw niyang maghiwalay ang dalawa, pero ang ginagawa naman niya ay sinisira niya si Sarah Lahbati sa mga tao. Sa halip na ayusin ang hiwalayan, paninira ang kanyang ginawa kay Sarah,” galit na pahayag ng aking source.
More Stories
MAYOR BELMONTE, CITY TREASURER OFFICE BINIGYAN NG AWARD NG QC COUNCIL
Private Equity Fund investments boost Philippine pension fund Macquarie Asset Management pays out $272 Million or PHp 15.8B to GSIS
Gobyerno, politiko at botante ang magpapahirap sa Pilipino!