
Marami ang nakapapansin kay Anji Salvacion (19) na resemblance siya sa isang sikat na PBA player noon. Ang tinutukoy namin ay si 4-time MVP Alvin Patrimonio.
Hawig din nito ang isang anak ni Kap na si Cristine Patrimonio. Take note, may name din na ‘Kristine’ ang may dugong Jewish-Russian na bebot. Lumaki siya sa Siargao Island. Kaya naman, napagkamalan namin siyang anak ni ‘Captain Lionheart’ nang makita sa personal. Take note uli, napasama rin si Christine sa PBB Housemates nitong nagdaang mga taon. What a coincidence! Kaya sabi tuloy namin, ‘separated at birth ba si Anji at ang tennis player na si Christine?
Kabilang si Anji sa Top 2 ng PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition. Kung saan kasama niya si voleybelle Alyssa Valdez. Siya ay member ng ‘The Squad Plus’ at isa sa young and upcoming stars. Nagsimula ang kanyang career nang mag-audition sa Philippine Idol noong 2019. Kung saan, inawit niya ang kantang ‘ Jar of Hearts’.
Dahil sa malaking expose niya sa PBB House, natitiyak natin na mabibigyan ng break si Anji. Na talagang pang-leading-lady ang peg.
More Stories
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”
MGA ILLEGAL NA TINDAHAN, VIDEOKE AT EATERIES SA MATABUNGKAY BEACH, IPAPAGIBA NA NG KORTE SUPREMA