Dahil sa kanyang magandang ipinakita sa nakaraang NBA playoffs, maraming naging interesadong teams kay Jerami Grant.
Si Grant ay naglaro sa Denver Nuggets. Gayunman, free agent na siya ngayong offseason. Kung kaya, may ilang teams na nais lumambat sa kanya.
Katunayan, anim na teams ang nagnanais kunin ang serbisyo ni Grant.
Nais pa rin ng Nuggets na kunin nila si Grant. Bukod sa Denver, interesado rin ang Miami Heat, Dallas Mavericks at Phoenix Suns. Gayundin ang Detroit Pistons at Atlanta Hawks.
Ayon kay Barry Jackson ng Miami Herald, ang Heat ang mas pursigido na kunin ang player. Aniya, maiging panapal sa line-up ng Miami si Grant. ‘Yan ay kung mawawala sa team ang kanilang top free agents.
Maaaring i-offer ng Heat dito ang $9.3 million mid-level exception.
Pero, hindi ito sapat para mahablot nila si Grant sa Denver. Maliban kung mag-offer ang Nuggets ng mas mataas ditto.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT