ANIM na bagong record sa women’s category ang naitala sa isinagawang National selection para sa mga miyembro ng Philippine Weightlifting Team na isasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia sa Mayo 6-16.
Sa pangunguna nina Tokyo Olympian Elreen Ando and Southeast Asian Games record breaker Vanessa Sarno, nabasag ang mga marka na ikinalugod ni Samahang Weighlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella.
“It’s a good indication how ready and confident our lifters for the Cambodia Games. Masayang masaya kami rito, we have a good chance for at least two to three golds in the women’s category,” pahayag ni Puentevella.
Binura ng 19-anyos na si Sarno ang SEA Games record 104kg sa snatch na naitala niya sa Vietnam sa nabuhat na 105kgs sapat para masiguro ang pagkakataon na maidepensa ang korona sa 71kg class ng biennial meet. Bumuhat din siya ng 130kgs sa clean and jerk para sa kabuuang bigat na 235 kgs.
Hindi rin nagpakabog ang 24-anyos na si Ando sa 59kg class na napahusay ang dating 123kg marka sa naitalang 125kg sa clean and jerk. Ang pambato ng Cebu University ang karibal ni Tokyo Olympic champion Hidilyn Diaz para sa nag-iisang slot sa naturang kategorya sa 2024 Paris Games.
“Ito po siguro ang tadhana naming si Ate Hidilyn, hindi namin gustong mag-agawan kami pero talagang kailangang paglabanan naming ito para makalaro sa Paris. Siguro magdasal na lang po tayo na pareho kaming healthy hanggang sa Olympics,” sambit ni Ando.
Sa 45kg class, nabura rin ni Angeline Colonia ang dating Philippine record na 72kg sa snatch sa bagong mark ana 74kgs, habang naimproved din ni Lovely Inan sa 49kg class ang marka na 100kg sa nabuhat na 101kg sa clean and jerk.
Impresibo naman si Rosegie Ramos sa 49kgs. Class sa bagong marka na 83kgs (80kgs) sa snatch gayundin sa total kgs na nabuhat sa 184kgs (182) matapos maitala ang 101kgs sa clean and jerk.
Iginiit ni National coach Tony Agustin na sa pitong event na paglalabanan sa Cambodia SEA Games lima lamang ang lalahukan ng Pinay. “Hindi na naming lalagyan ng atleta yung dalawang event dahil malayo sa SEAG benchmark yung mga performance ng atleta natin. We’re going for quality not quality,” saad ni Agustin.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW