
Anim katao ang namatay ay ilan ang nagtamo ng pinsala sa isang crush sa isang football game. Nangyari ang insidente sa Yaounde, Cameroon habang idinaraos ang Africa Cup of Nations match.
“A crush at the entrance to the Olembe Stadium” caused “half a dozen deaths and dozens have been injured”, saad ng Cameroonian state broadcaster CRTV.
Matapos ang final wristle ng Cameroon v Comoros match, wala namang bakas ng stampede sa stadium.
Batid naman ng Confederation of African Football (CAF), na nag-organisa ng continent’s flagship meet ang insidente. Ayon sa post ng CAF, iniimbestigahan na nila ang sitwasyon. Gayundin ang pagkalap ng detalye sa buong pangyayari.
Itinalaga naman ng federation ang secretary general nito upang bisitahin ang mga supporters sa ospital.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo