
Tiyak na ang naturalization ni Angelo Kouame bilang ganap na maging batas. Sa oras na makapasa ang bill sa loob ng 4 na araw, tiyak nang makasasalang sa Gilas ang big man.
Kung kaa, maaari nang sumabak sa Clark Window ang 6-foot-10 na si Kouame sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers.
Para naman sa Atenean, hindi na siya makapaghintay na dalhin ang bandera ng bansa.
“Mostly, I’m excited because it’s been a thought for a year now,” ani Kouame sa The Game
“I’ve prepared myself for this.”
Makatatapat ni Angelo Kouame ang dalawang bigating players sa region. Ito ay sina Ricardo Ratliffe (Ra GunA) ng South Korea. Gayundin si Lester Prosper ng Indonesia.
Magsasagupa ng Gilas ang Korea sa June 16 at 20. Haharap naman sila sa Indonesia sa June 19.
Nakatapat na ni Kouame si Ratliffe noon sa 2018 William Jones Cup. At alam niya kung gaano ito kalakas.
More Stories
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN
LOUIE SALVADOR NG ‘PINAS NAGHARI SA FIDE-RATED CHESS TILT SA THAILAND