Bumuhat si Angeline Colonia ng gold medal sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championship sa Tashkent, Uzbekistan. Kaya naman, binarag niya ang world at Asian records sa kanyang weight class. Sinalya ni Colonia ang 2 gold at 1 silver sa nasabing torneo.
Bumida ang 15-anyos na lifter sa 62kg sa snatch sa women’s 40kg category. Binasag nito ang world at Asian youth standard (61kgs). Nakabuhat siya ng combined winning lift na 134kgs. Na itinuturing na world youth record.
Kinapos naman siya sa 72kgs sa clean and jerk at nagtapos sa silver. Nakopo ni Doung Thi Kim Yen ng Vietnam ang ginto sa inilistang 73kgs. Binati naman ni Tokyo Olympics gold medalists Hidilyn Diaz si Colonia. Si Diaz ang itinuturing na inspirasyon ng teen weightlifter.
‘Wow! Siya ay taga Pasobolong, Zamboanga at isang Filipina. Hookgrip,’ post ni Diaz. Si Colonia ang pamangkin ni 1988 Seoul Olympian Gregorio Colonia. Kapatid din siya ni Rio Olympian Nestor Colonia.
https://web.facebook.com/hidilynweightlifter/videos/363979212520104/?t=8
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!