May paalala ang aktres na si Angelica Panganiban sa mga botante ngayong paparating na eleksyon na huwag basta-basta magpapadala sa matatamis na salita ng mga kandidato.
Sa kanyang video na ibinahagi sa Young Public Servant’s Facebook page, ibinahagi ni Panganiban ang kanyang mga nabigong pag-ibig at ikinumpara niya ito sa mga kandidato ngayon.
“Naloko ka na ba ng pagmamahal sa maling tao? Yung akala mo gold medalist ka na tapos fake news pala? Don’t me, alam ko ‘yan. Ilang beses akong iniwan sa ere. Ilang beses din akong nasaktan. Lagpak, beh. Dapang-dapa. Ninakawan ako ng pag-asa at pangarap,” ani Angelica.
“Minahal ko eh. Pinagtanggol ko pa nga sa mga friends ko pero wala, nganga. Mambubudol pala. Ang sakit umasa ha. Nakakapagod din maging tanga. Sa ganda kong to, hindi ko deserve. Hindi mo rin deserve. it’s not worth it!” dagdag niya pa.
Dahil sa mga bigo niyang pag ibig ay natutunan niya na huwag na magpauto sa mga “manloloko”.
“Alamin at tignan ang character references. Huwag magpapabudol at huwag sa magnanakaw!” sabi ng aktres.
Hindi naman malaman kung sinong politiko ang pinaparingan ni Angelica na kilala bilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
Sa ngayon ay napanood na ng libo libong netizens ang nasabing video.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE