
Napanatili ni Angela Lee ang kanyang women’s atomweight champion sa main event ng ONE X sa Singapore Indoor Stadium. Ginapi nito via submission si Grand Prix winner Stamp Fairtex sa 2nd round.
Dalawang natengga si Lee sa laban. Pero, di pa rin ito kinakalawang. Nakatagal ito sa eraly attack ni Fairtex na pinuntirya ang kanyang katawan.
Ginawa ito ni Fairtex sa unang round. Pero, nang makatiyempo, naisalya ni Lee ang Thai fighter sa mat. Dito na dinomina ni Lee ang kalaban at tinapos ito via rear naked choke, may 4:50 mark sa round 2.
Pinasalamatan naman ng American-Singaporean champion si Fairtex. Ito’y dahil sa ipinamalas nitong magandang laban.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT