December 25, 2024

‘Angel City’ soccer club ni Hollywood actress Natalie Portman, bahagi ng NWSL expansion team sa 2022

Kagaya ni tennis supestar Serena Williams, nag-invest din ang Hollywood aktres na si Natalie Portman sa isport na soccer. Kapwa sila nag-invest sa bagong soccer team ng Los Angeles.

Pagkatapos ng 12 pagkakatengga, muling magbabalik ng women’s professional soccer sa Southern California. Kaugnay dito, magiging bahagi ang aktres na si Natalie Portman sa  Los Angeles  (LA)  ownership group.

Ang nasabing team ay magiging expansion team ng National Women’s Soccer League para sa 2022 season.

Sinisimulan na ni Portman ang pag-aasikaso sa ‘Angel City’ project pagkatapos ng pagkanapalo ng U.S. sa nakaraang World Cup.

We wanted to make sure that we brought in incredible partners who were from the soccer world, who are leaders in sport, in tech and business and entertainment because that’s really so much what our city is about. Each of us has our special ability to bring to the team,” ani Portman.

Gagamitin ang ‘Angel City’ bilang tentative nickname ng franchise. Sa ngayon ay pinagdidiskusyunan pa ang permanenteng pangalan nito. Ihahayag nina Portman ang permanent name ng team sa katapusan ng taon.

Bukod kay Portman, kabilang din sa 30-member group si World Cup at Olympic champions Mia Hamm, Julie Foudy, Joy Fawcett, Rachel Buehler, Tisha Venturini-Hoch at Abby Wambach.Gayundin ang mga aktres na si Eva Longoria, Uzo Aduba, Jennifer Garner at Jessica Chastain, venture capitalist Kara Nortman at Reddit co-founder Alexis Ohanian.