TUNAY na mangas ang Pilipinas pagdating sa combat sports partikular sa larangan ng kickboxing.
Kaya naman bilang aktibong tagasuporta ng sports, partikular sa kickboxing sa Pilipinas, naninindigan si Senate Majorty Leader Francis Tolentino na malaki ang potensiyal at husay na sana ay naipapamalas ng mga atletang Pilipino kung may sapat na suporta ang mga ito, lalo sa pagpapahusay nila sa napiling larangan.
Kasunod ito ng lubos na paghanga at pagpupugay ni Senator Tol sa ipinamalas na husay ng mga Pilipinong humakot ng 16 na medalya sa Asian Kickboxing Championship sa Phnom Penh, Cambodia.
Kasalukuyang presidente sa Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP), pinuri rin ni Senator Tol ang Filipino kickboxers sa pagkakaroon ng “skills, heart, and huge potential in the sports.”
Patuloy na aktibong nagsusulong si Senator Tol ng iba’t ibang programa at pagpapahusay para sa kickboxing sa buong bansa, partikular sa kabataan, kaya lubos niya itong itinampok bilang kategorya ng sport sa National Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games kamakailan. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA