September 8, 2024

ANGARA UMUPO NA BILANG DEPED CHIEF

TULUYAN nang umupo si Senador Sonny Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) .

Sa isang seremonya sa punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City, pormal na rin isinalin ni Vice President Sara Duterte kay Angara  ang selyo, bandila at responsibilidad ng kagawarang pinamunuan sa nakalipas na dalawang taon.

Bago pa man ang turnover ceremony, magkasamang nilibot nina Duterte at Angara ang iba’t ibang tanggapan ng ahensya.

Samantala, inamin ni Duterte na may mga pagkukulang pa rin ang ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno – bagay na tinugon ni Angara ng pangakong itutuloy lahat ng nasimulang inisyatiba ng Pangalawang Pangulo.