November 11, 2024

ANG U- 505

Sa kasagsagan noong WWII, noong ika-4 ng Hunyo 1944, nakatuklas ang U.S Navy ng isang German submarine U-505 at itinago iyon pati ang mga crew sa loob ng submarine bilang sikreto. Ang Allied forces ay umaasang gamitin ang materyales at code books na nakuha sa submarine upang gamitin laban sa mga Nazi’s.

Hindi nila alam, bitrag lang ito ng oposisyon at nagtagumpay iyon. Ang naturang submarine ay dinala sa Bermuda at 58 Nazi soldiers ang nahuli noong nagsagawa ng raid at ikinulong. Hindi sila pinapayagang magpadala ng liham. Akala ng German army ay patay na sila na ipinagbigay alam na sa kani-kanilang mga pamilya. Ayon sa Chicago’s Museum of Science and Industry, ang submarine ay kasama pala sa exhibit. Pinakawalan naman ang mga survivors pagkatapos ng giyera.  

ANG BALLOON BOY

Ito ay naitala bilang isa sa huwad na kasaysayan tungkol sa batang lalaki na si Falcon Heene 6-anyos noon ay naglayag sakay  ng isang UFO-liked helium balloon sa himpapawid ng Colorado sa taas na 2 kilometro. Umani ng media attention ang naturang insidente noong Oktubre 15, 2009, 10 taon na ang nakalilipas. 

Akala ng mga tao, dinadalaw ang Colorado ng UFO. Pero, nagulantang sila nang makita sa cable TV na sumasakay sa balloon ang bata at napunit ito, anupa’t dumausdos na kumakapit sa balloon. Para tuloy si Tarzan ang bata na nagbabaging sa ere. Doon na nakatawag ng atensiyon sa kinauukulan ang makapagpigil hiningang eksena.Nang lumagpak sa lupa ang naturang balloon sa pag-aakalang nandoon ang bata. Agad silang rumesponde  upang tulungan ang bata. Subalit, hindi nila nakita si Falcon. Inamin ng mga magulang ng bata na sina Richard at Mayumi Heene na gawa-gawa at palabas lamang ang insidente para makatawag ng atensiyon sa media. Pinagmulta ang dalawa at nakulong.