Mukhang nagiging sarsuwela ng mga payaso ang filing ng certiicate of candidacy sa COMELEC. Ginagawa na itong sirkus ng mga kengkoy na kumakandidato. Walang nagbabawal na batas kung gusto nilang tumakbo.
Pero, sana ilagay nila sa lugar ang kanilang kandidatura. Hindi biro na lagpas na sa 20 ang tatakbong Presidente at lagpas sa 40 ang tatakbong senators. Kahit di kilala, nagfile ng candidacy.
Ang tanong, mananalo kaya sila? O sinayang lang nila ang kanilang panahon at effort? Hindi ba’t ibibilang din sila sa nuisance candidates. Dahil pamparami lang sila ng ilalagay sa balota.
Masakit man isipin, kailangang tanggapin dahil ito ang reyalidad ng halalan. Marami ang gusto ng pagbabago sa bayan. Marami ang may magandang panukala para sa bansa at sa taumbayan. Papaano mo iyan maisasakatuparan kung alam mong tiyak na talo ka?
Makalulusot kaya ang isang kandidato na tila may tililing na sa ulo?
Na ang partido ay sa zombies? Dadalhin ang Pilipino sa ibang planeta? Isasalang ang pulis-pangkalawakan? Sa bandang huli, taumbayan rin ang magpapasya kung ano ang kanilang magiging kapalaran sa halalan. Dalawa lang, ang manalo o matalo.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino
Ang Pagbabalik ni Hen. Douglas MacArthur