MAS pinaburan ng TV5 ang grupo ng Eat Bulaga na Dabarkads na bigyan ng slot, kaysa ang action drama ni Coco Martin na ‘Ang Probinsyano.’ Kaya nakakalungkot na hindi na makakabalik sa free tv ang action drama ni Coco.
“Siguro iyong demand nila, alam mo naman na dala na ang TV5 gumastos nang malaki tapos lugi rin naman ang kalalabasan. Isa pa hindi gaanong naging maganda ang pakikisama ni Coco Martin sa kanyang televiewers, kaya hindi rin ito nagustuhan ng management.
“Sayang malaking project ‘Ang Probinsyano,’ pero wala naman tayong magagawa kung ang nasabing blocktimer ay talagang ayaw ibigay ng TV5 kay Coco. Sayang kung nakuha ng ‘Ang Probinsyano’ ang nasabing slot, tiyak na matutuwa ang mga fans ni Coco dahil mapapanood siya mula Lune hanggang biyernes ng gabi.
“Siguro hindi na panahon ni Coco Martin sa free tv, bad sign na ito sa kanyang showbiz career. Ito na nga iyong sinasabi nila na panapanahon lamang iyan, so malinaw na tapos na ang panahong ni Coco Martin at ang kanyang ‘Ang Probinsyano.’” Mataray na pahayag ng aking source.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?