November 23, 2024

Ang Pagdating ng Espiritu Santo (Gawa :2:1-9)

Nang sumapit ang Araw ng Pentecostes,nagkatipon Silang lahat sa isang lugar.

At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit,animo’y hagunot ng malakas na hangin,at napuno nito ang bahay na kinororoonan nila.

May nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila.At silang lahat ay na puspos ng Espiritu Santo at nagsalita ng iba’t-ibang wika,ayon sa Ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga Judiong buhat sa iba’t ibang bansa,na naninirahan noon sa Jerusalem,mga taong palasamba sa Diyos.

Nang marinig nila ang ugong na ito,nagdatingan ang maraming tao.Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad ang mga wika nila.

Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi,”Hindi ba Galileo silang lahat.?Bakit ang ating-ating katutubong wika Ang ating naririnig natin sa kanila? Durugtungan sa susunod na labas.