Kahit na eleksiyon na mga Cabalen, sana po ay huwag natin kalimutan ang problema. Huwag tayong magpapadala sa mga mabulaklak na salita, mga Cabalen. Ang mga dati nang problema ay problema pa rin pagkatapos ng eleksiyon.
Ang eleksiyon po sa Pilipinas ay masaya, subalit magulo. Ang prutas na ay balimbing nagkalat. Walang kamag-anak at walang kaibigan. Marumi ang nakaugalian natin sa eleksiyon. May nagmumukhang katawa-tawa at niyuyurakan, dahil sa ipinapakitang kababaan nito at style ng kampanya. May pag-asa pa ba tayong baguhin ito?
Ang maganda lang sa mga hindi masyadong trapo, hindi marunong manira sa kanilang kalaban. Si Sharon Cuneta na ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan ay tumatakbong Bise Presidente ni VP Leni. Kalaban nito si Tito Sen na kanyang Tiyo dahil sa asawa nitong si Helen Gamboa, na kapatid ng ina ni ‘mega star’. Subalit dahil marahil sa dugo at respeto hindi sila nagsisiraan.
Gaya din ni Presidential bet Bongbong Marcos Jr., na sa kabila ng pag atake sa kanya ng mga supporters ng kanyang mga kalaban, hindi niya inaatake ang kanyang mga kalaban. Nasasaktan subalit patuloy pa din sa pag-ikot.
Ito namang si Kois, tila natatabangan na sa kanyang partner at ramdam ang kanyang panlalamig kay Doc Willie Ong na kanyang bise presidente.
Sa Taytay naman po, ang mga ambisyong pulitiko na napakadumi kung lumaro. Panay ang sambit sa mga paninira sa kanilang mga kalaban pero kapag hinalughog; kung sila ba ay may nagawa na para sa kanilang bayan, naku! wala … nganga!
Sadyang kapag eleksyon ay marami ngang prutas na balimbing. Mga hunyango at namamangka sa dalawang ilog. Lahat ay gagawin para sa sariling kapakanan at interes.
Halos doble kara at dala-dalawa ang partido. Batid ito ng halos karamihan sa ating mga kababayan. Ito ay dahil na rin sa tulong ng social media. Kayo na ang bahala mga Cabalen batay sa inyong obserbasyon.
Makikilatis nyo ang isang mabuting pinuno sa kanyang integridad. Sa kanyang di pagkontra-kontrahan ng sinasabi at di pagiging balimbing.Kayo na ang bahala kung may puwang sa inyong paghatol ang mga balimbing.
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!