Painit na ng painit ang kampanya mga Cabalen. Kasing-init ng tag-araw. Kahit tirik na Marami ang pulitikong tirik ang sikat ng araw nagpakita na ang mga multo sa pulitika. Sila’y makikita lamang tuwing kampanya kung sila ay tumatakbo at susungkit ng posisyon.
Halos hindi mo makita kapag naupo na sa puwesto at dahil tapos na ang eleksiyon. Mabili rin ang balimbing sapagkat nagpalipat-lipat na ang mga kandidatong nais manigurado na ang sasamahang partido ay nakatitiyak ng panalo.
Nitong Lunes, ibinunyag na ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang pagkakaisa ng PDP-LABAN; na kanyang pinamumunuan at sinusuportahan ni Pangulong Duterte ang pag-endorso kay Senator Bongbong Marcos para sa pagka-Pangulo. Sa dinami-rami ng mga palipad na salita ni Pangulong Duterte sa kung sino ang kanyang susuportahan sa panguluhan nauwi rin kay Marcos.
Natural naman kasi si Mayor Inday ay Bise Presidente nito. Sinusuportahan ng ruling party ang buong Unity Team. Show of force na ito mga Cabalen. Nauna rito, ibang ideya ang binibitiwan ni Duterte sa mamanukin nito sa pagka-pangulo. Ibig sabihin ba nito mga Cabalen, wala na siyang magawa pati na ang Cusi faction dahil kitang-kita na ang pagkapanalo ni Marcos?
Maaari din namang dahil kay Mayor Inday kaya ibinigay ang endorso. Maraming laro sa pulitika. Sa ating paningin walang malinis. Ang importante manalo sa eleksiyon.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE