Minarkahan noon ni Aseel Al Hamad, isang female racer at kauna-unahang female board member ng Saudi Arabian Motor Federation. Ginawa niya lap-of-honor sa pangunahing race tracks lulan ang isang matulin na Jaguar F-Type.
Kapansin-pansin din ang kanyang mala-beauty queen na mukha. Iyon ang naging puntos niya para sumikat.
Sinubok niya ang International Circuit sa Riyadh, Saudi Arabia, ilang oras bago pinawalang bias ang pagbabawal sa mga babaeng tsuper.
Saka siya lumipad patungong France para paharurutin naman ang isang Renault Sport Formula One Team E20.
Ang sinakyang E20 ni Aseel ay siya ring Lotus E20 na minaneho ni dating F1 world champion Kimi Raikkonen para sa kanyang tagumpay sa Abu Dhabi Grand Prix noong 2012.
“Having loved cars since I was a child, today is highly emotional for me,” ani Aseel.
“This is the best driving moment of my life. What better way to kick off World Driving Day than a lap of honor in my home country in a Jaguar F-Type–the ultimate car to roar around the track.
“I hope people around the world will share in our joy today by sharing their most memorable driving story using #worlddrivingday,” dagdag nito.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo