November 6, 2024

ANG HIWAGA SA US$ DOLLAR BILL AT CAPITOL HILL OWL SA WASHINGTON DC

Noong taong 1955, ipinag-utos ng mga kinauukulan sa Estados Unidos na lagyan ang kanilang dollars ng motto na: “In God We Trust”.

Ang ganitong hakbang ay sa layuning makabangon ang bansa sa dagok na iniwan ng Great Depression at ng World War II. Higit sa lahat ay upang pagpalain aniya ng Diyos at akayin sa kaunlaran ang kanilang bansa.

Subalit, ang gayung hakbang ay hindi nakatulong sa Amerika na matakasan ang negatibong aspekto sa ekonomiya.

Bagama’t itinuturing na isa sa pinakamakapagyarihan at maunlad na bansa sa daigdig, hindi masasabing nasa kanilang lahat ang pagpapala.

Ayon kay socialist-historian professor Schlomo Sand, bagama’t kahanga-hanga ang ipinamalas na pagtitiwala ng Amerika sa Diyos, hindi aniya nakaligtas ang bansa sa kapaimbabawan sa mata ng elder American-Jews sa Tel Aviv sa Israel. Aniya, kabalintunaan ang ipinakita ng Amerika— at salungat sa pagiging Maka-Diyos. Bakit?

Ang isang dahilan ay ang disenyo ng one dollar bill na umano’y may nakatagong imahen ni Lilith, isang demon goddess sa anyong kuwago o owl.

Ito ay makikita kung gagamit ng magnifying glass sa bulaklak na nasa itaas ng number 1. Ayon kay Fredhure Duefhanghie, isang Hudyong kasapi noon sa Satanic occult at yumayakap sa doktrina at aral ng mga demonyo, isa aniyang masamang larawan ang gayung imahen sa perang papel. Si Duefhanghie ang kinunan ni Sand ng datus tungkol sa lihim ng one dollar bills at iba pang bills ng Amerika.

Oo nga’t ang Amerika ay tinaguriang bayan ng “gatas at pulot” na katulad ng Canaan noon. Ngunit, hindi nalalaman ang mga hakbang kung ito ba ay sa liwanag o sa kadiliman. Hindi namamalayan ng kinauukulan ng bansang ito na sinasadlak nila ang kanilang mamamayan sa pagkapanatiko kay Lucifer,” ani Sand.

Lumalabas aniya na pinagpapala ni Lucifer ang Amerika— dahil ang mga namumuno aniya sa nasyong ito ay pawang miyembro ng samahang nagbibigay ng parangal sa puwersa ng kadiliman.

Isa sa patotoo ni Sand ay ang pagpapakasal ni U.S President James Madison sa babaeng Todd of Satanic Collins na may lahi umano ng mga demonyo. Isa pa, ang istraktura aniya ng White House ay templo ni Satanas. Kung titingnan aniya mula sa itaas ang street lay-out ng south portion nito o Capitol Hill ay hugis kuwago. Kapag tiningnan naman ng baliktad at titingnang umpisa mula sa hilaga ay hugis kambing naman ito.

Sa kabuuan, ang pentagram ng White House ay isa aniyang demonic structure kung saan ay doon daw  naninirahan ang espiritu ng diyablo.

Ang mga senaryong ito ay simple lamang kung tutuusin. Isang sariling hinuha— namaaaring totoo o maaaring hindi. Alin lang sa dalawa. Gayunman, malaki ang epekto nito sa kabuuan ng bansa (Amerika). Sa kabila nito, nakikita natin sa isang banda na pinagpapala ng Diyos ang Amerika, sapagkat nagpahayag ito ng pagtitiwala sa Kanya,” saad ni Sand.