November 23, 2024

ANG HIGANTENG MUKHA NG ‘PORT OF THONIS- HERACLEION’

Pagkatapos  ng maraming taong paghahanap sa pamamagitan ng pag-i-screening sa malawak na pook ng Abu Qir Bay sa baybayin ng Egypt, natuklasan ng arkeologong Pranses na si Franck Goddio at ang kanyang mga kasamahan ang isang dambuhalang  mukha na inaiahon mula sa tubigan.

Ang relikyang ito na nadiskubre ni Goddio ay ang Thonis- Heracleion, isang matanda at sinaunang siyudad sa Ehipto,  na itinago sa kalamiman ng karagatan sa Alexandria sa lalim na 6.5 kilometro.

Bukod dito, natuklasan din sa kalaliman ang bakas ng 64 barko, 700 angkla, ang bulto ng koleksyon ng mga gintong barya, estatwa na may taas na 16 talampakan, ang malaking templo ni Amun-Gereb at ang munting sarcophagi para sa mga hayop na dinadala rito bilang mga alay.

Ang mga labi at ang artifacts na gawa sa granite at diorite ay markadong na-preserba na nananatiling maganda sa nakalipas na 2,300 taon, na nagsilbong tagong yaman ng isa sa dakilang daungan o port cities sa daigdig. Ang harbor ng Thonis-Heracleion (Egyptian at Greek name ng siyudad ) ang siyang nagkokontrol ng lahat ng kalakalan noon sa Ehipto.